Tuesday, December 1, 2020

My Ex is a Secret Agent: Author's Note

 

Author's Note: 
        
            Hi guys, SorceressPrincess ito, matagal narin ako naging aktibo dito sa blog dahil sa personal kong problema na dahilan para di na ako naging active sa pagsusulat. Kaya ako nag-post ulit dito ay dahil gusto ko ipaalam sa mga readers ng 'My Ex is a Secret Agent' na ililipat ko na itong story sa dreame dahil naka-signed na po ito doon. 

            Sa mga hindi pa nakabasa nito o gusto basahin ito, dito sa My Ex is a Secret Agent (Click this Link). Mababasa niyo rin po yung iba ko pang story.

            Thank you very much!

                    
 

Tuesday, June 9, 2020

Author's Note by EunSeungRi







Author's Note: 

Since dito ko unang isinulat at na-published ang mga book. Dito ko rin unang ipo-post and edited version ng mga libro. Espesyal sa akin ang blog na ito maging ang mga kwentong naisulat ko rito kaya naman naisipan kong i-edit silang lahat. Matatagalan man dahil napakarami nila, pero kakayanin dahil gusto kong ma-inspired at bumalik muli sa pagsusulat. Kahit nawala man ang lahat, at ako na lang ang natitirang bumabalik-balik sa blog na ito. Gusto ko pa ring dito i-post lahat ng na-edit kong kwento.

Ano nga ba ang WIZARDRY? Ito ang edited version ng Witchcraft and Wizardry. Pinalitan ko ang pangalan dahil parang hindi magandang pakinggan ang witchraft. 

Hindi lang and W&W ang inuumpisahan kong i-edit. Maging ang Fiction anf Fact, Billion Dollar Quest at iba pa. May mga buburahin rin akong unfinish stories. Gusto kong mag-focus sa mga old stories ko kaysa gumawa ng panibagong kwento.

Also, from now on Maharlikana na ang pen name na gagamitin ko at panghahawakan ko ito hanggang sa huling librong isusulat ko. 

Iyonn lamang po at sana muling bumalik ang sigla ng blog natin at muling ma-inspired and mga readers at other co-writers natin na magsulat at gumawa ulit ng mundo kung saan nagagawa nating i-share ang iba't ibang talents natin. 




Love,


Maharlikana/EunSeungRi

Monday, December 3, 2018

5 Years

Kamusta mga Dreamers! It's Eun Seung Ri here! Bigla ko lang na-miss ang blog na to nang bumalik ako sa wattpad few days ago.

Sa blog na 'to ako nagsimulang sumulat. Dito ko rin na~realised yung Genre na para sakin talaga. Malaki ang naitulong sakin ng blog na 'to bilang writer. Sayang lang dahil naging busy ang lahat at unti unting nawala.

Sana lang maging active ulit ang blog na 'to .. nakaka~miss kayong lahat ..

Monday, October 30, 2017

It's Been Four Years—

IT'S BEEN FOUR YEARS simula nang sumali ako dito sa blog ni ate Aegyo. Nakakamiss din pala. Isa sa mga nakatulong sa pagsusulat ko yung blog na 'to. Nakakamiss yung mga panahon na nagkakainteract tayo na iba't-ibang mga writers. Nakakamiss yung DDH Fam, promise. 

Monday, May 8, 2017

Nakaka-Miss Din

Guys! Kamusta na kayo? Active pa ba 'tong blog natin? Nakaka-miss din magsulat dito!

Sana naman nandito pa yung ibang writers na nakasabayan ko noon.

At kay Idol Aegyo! Kamusta na?



- EunSeungRi